Ika'y sa akin, ako'y sayo, ngayon at magpakailanman.

Ika'y Sa Akin, Ako'y Sayo, Ngayon at Magpakailanman
by Ren Concha

Alam kong hindi ako pinagbigyan ng tadhana.
Pero ito ako ngayon, hinding-hindi na mawawala.
Sa mata mo, sa tabi mo, sa utak mo, at sa puso mo.
Mananatili akong tapat at mapagmahal sa iyo.
Ika'y sa akin, ako'y sayo, ngayon at magpakailanman.

Korny, Cheesy, kahit ano pang sabihin mo,
Sana'y umabot ang nararamdaman ko sa iyo.
Labis na katotohanan lamang ang aking sinasambit.
Labis na pagsusuyo ang taglay ng aking awit.
Pagkatandaan mo, ika'y sa akin, ako'y sayo, ngayon at magpakailanman.

Hindi ko sasabihing iaalay ko ang langit at mga bituin sa iyo.
Dahil simula't sapul hindi ito naging at magiging akin.
Sana'y mabigyan mo pa ako ng pagkakataon na iparamdam sa iyo,
Kung gaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa akin.
Muli, ika'y sa akin, ako'y sayo, ngayon at magpakailanman.


2 comments: