Nais Magbago


Nais Magbago
by Ren Concha

Gusto kong lumigaya muli,
pero buhay ko'y puno ng pagkakamali.
Bakit ba ang hirap baguhin?
Ano ba ang dapat kong gawin?
Para maiba ang pananaw sa buhay.

Marami pa akong tinatago,
isa akong taong puno ng sikreto.
Gusto ko nang sabihin,
pero pano ko ito gagawin,
Kung wala namang nais makinig.

Boring, Korny, Nakakasawa.
Ayokong maniwala, tanga na kung tanga.
Kung alam lang nila kung ganu kasakit,
lahat ng sinabi nila aking naalala kahit nakapakit.
Ngayon, paano ko ba maiibsan ang kalungkutan..

Kahapon, ngayon, bukas, parehas lang.
Eksistensiya ko ay balewala lamang.
Para akong hangin hindi nila mapansinpansin.
Ni isa wala man lumalapit sakin.
Masakit, pero sa huli kailangan ko rin tanggapin..

Ngayon nakitingin na lamang ako sa kalangitan.
Nagdarasal na darating ang araw ng kaginhawaan.
Na bukas, maging isang taong kinakailangan.
Maging isang taong iyong maasahan..
Hindi na isang taong kay hirap mahalin..

No comments: