Nagising na

Nagising Na
by Ren Concha

Ilang araw na ba ang nakalipas?
Simula ng aking talikuran ang landas
na tinatahak kong akala ko'y mabuti,
yun pala'y dulot sakin ay pighati.

Wala ng makakapagpabago pa sa nakaraan.
Ganun rin sa desisyon kong ika'y talikdan.
Nakipagkaibigan at sumama ako sa iyo,
sa aking buong akala na sasaya ako.

Hindi ko inintindi ang mga sakit noong una.
Ngunit nang nagtagal hindi ko na maiwasang lumuha.
Sinuway ko ang aking mga magulang,
upang sa iyo lamang ay huwag magkulang.

Ngunit anong iyong ginawa sa akin,
walang awang ako'y iyong inalipin.
Ngunit ngayon nagising na ako sa katotohanan,
na ika'y isang kalokohan lamang.

No comments: